Sino ba itong si Michael Fajatin? At bakit nga ba ako nagtatagalog. Ngayon po ay Buwan ng Wika kaya ako naman ay magbibigay pugay sa ating sariling salita. Naku, ito po ay talagang pagsubok sapagkat ako'y laking Waray. Oo ang matatapang na Waray wala ng iba pa. Sa kinalakihan kong Katolikong paaralan ay mas pinauso ng mga madre ang Ingles kesa sa Tagalog maliban kung Linggo ng Wika.
Ano ang koneksyon nito kay Michael Fajatin? Wala naman. Ipinaliwanag ko lang bakit bigla akong magiging Kokey sa iba nating panauhin dito. At para namang maiintindihan din nila itong paliwanag ko dba. Haynaku.
Sige sino nga itong Michael Fajatin na ito. Sa totoo lang ay nalaman ko lang kung sino siya noong isang Linggo nung kami ay dumalo sa isang parti na may handang butete at kami ay nahilu-lu-lu-lu. Leche talaga yang bisayang Low na yan, pasensya pero di ko alam kung ikatutuwa ko o ikaiinis pag naririnig ko yan. Dinadaig ang aking sentimyento kay Gloria Arroyo.
Sige balik sa isang salo-salo na aming pinuntahan ng aking kaibigan kasama ang kanyang boypren na nagtatrabaho sa GMA. Habang kami ay kumakain ay napapalibutan kami ng mga usyoserong naiintriga sa trabaho ng boypren ni kaibigan. At biglang lumabas itong pangalan ni Michael Fajatin. Habang sila ay mamatay sa tawa, ako naman ay walang kaalam-alam na nilalang na di maka-relate. Nanonood naman ako ng news mga kapatid kaso sina Korina, Ces, Pia Hontiveros, Ricky Carandang, Pinky Webb, at ang aking crush na crush na si Anthony Taberna lang aking kilala. Ay syempre si Mike Enriquez din di ko tatantanan. Hehe.
Nasabi nga ng boypren ni kaibigan na minsan nga daw ay naririnig pa nila itong ringtone ng ibang crew sa ABS pag nasa field. Ang lakas talaga ng mga tawa nila mga kapatid at lumapit itong si mader ng nag-imbita ng parti. Pinakilala nga ni kaibigan si boypren kay tita. Ito namang si Tita ay biglang tinawag si asawa nya, "Dad, diba may pamangkin ka sa GMA? Ano nga pangalan nun?" At bigla nyang tinanong si anak nya na nasa dulo ng aming mesa, "Sino nga yung pinsan mo sa side ng dad mo?" Di naman siya umimik. Aba di ata nya kilala. Dumating si dadi nya.
"Yung sa GMA? Ah oo dun din nagtatrabaho pamangkin ko, baka kilala mo... si MICHAEL FAJATIN."
Sabihin nalang natin mga kapatid na natapos ang aming kainan na para kaming nasa loob ng library. Buti nalang di ako nakitawa. Lols. Malamang karamihan sa inyo ay napanood na ito pero ilalagay ko pa rin. Wala naman akong gustong iparating dito mga kapatid. Wala pa kasi akong naibahagi ditong bidyo kaya ito nalang ang magsisilbi kong ika nga Pirst Taym. Hehe.
Sige na at medyo nahihilo na ako sa Tagalog tsaka nag-aaway na naman itong mga pamangkin ko dito. Nag-aaway sila sa simula pagkatapos nito'y nagkaroon sila ng pag-aaway sa simula... Hala! May naintindihan ba kayo? Ako wala. Hahaha.
4 comments:
classic na tong report na to... hehehe
Bebot bebot bet
Bebot bebot bet
Bebot bebot bet
Iko ang aakin
Filipino! Filipino! Filipino! Filipino!
LMAO !! This is the only Filipino that i know in the world !! :p
@gillboard: yeah, i know. and it really is a shame that i never had an idea about it. kaya ako ang nakakatawa dun sa party. hehehe. Gawd, I am soo not updated. such a disgrace. lols
@kc: nice! hehehe. at least you made me laugh today. :)
Post a Comment